Biyernes, Setyembre 20, 2013

Day 27: Tuesday(August 13, 2013)

Kaming dalawa lang ni Lorraine ang pumasok dahil may sakit si Ginalyn. Gumawa ng mga pinagawa ng mga teachers and nagplano kami ni Lorraine ng mga dapat ilagay sa system namin.. Sobrang happy namin ni Lorraine dahil may nagawa kami ng maayos na naidagdag sa system namin..



Day 26: Monday(August 12, 2013)

Pagdating ko ng school, deretso agad ako sa ICT room.. Andun kasi sina Lorraine.. May pinapagawa sa kanila.. At ako, busy ulit sa pagpproggrame ng aming User Interface.. After nun, pinagtulungan naming tatlo yung pagsulat sa napaka raming certificate..



Day 25: Friday(August 9, 2013)

Holiday! Yehey! Rest day! Walang pasok! :p



Day 24: Thursday(August 8, 2013)

Its Thursday! Holiday bukas.. Yehey! Walang pasok.. :) Pinalagay ni Ma’am Mila yung styro sa pader dahil lalagyan ng profile ng personnels sa school.. Nag-isip kami if pano yun ididikit.. Ginamit na lang namin sa pagdikit yung double sided tape.. Kaso,nagkulang.. Ako yung naglalagay ng styro sa pader.. Pinapatingnan ko kina Ginalyn if pantay na.. Kaso walang sumasagot sakin.. Tinanong ko ulit sila pero wala pa ring sagot.. Lahat nakatingin lang sa styro.. Nagtanong ulit ako ng may halong paggulat at may tonong nagmamakaawa.. Sabi ko “Hoy!amoh na?” Sabay-sabay silang nag “Ay!”, tapos tawanan silang lahat.. Pati yung mga teachers na andun.. Oo na daw.. Natulala daw lahat eh.. hehehe..Kairak ko man daw.. After nun, nagtulong-tulong naman kami gumawa ng Report of Enrolment.. Nagsuggest ng mga magandang color combination and nagcut ng mga colored paper.. After nun, may dumating na free snack.. Pansit.. hehehe.. :) Sobrang busog!



Day 23: Wednesday(August 7, 2013)

Haaays! Brownout na naman! :( Ang init.. Kaantok din dahil walang magawa.. Nag-usap-usap kami about sa proposed system.. Nag-isip na lang kami ng gagawin namin para di antukin.. Nagtanong kay Ma’am Mila if may ipapagawa siya.. Nag-isip din siya ng pwede niyang ipagawa sa amin.. At sinabi niya na ayusin na lang daw namin ung Enrollment Report.. Pero di namin natapos dahil sobrang init na sa loob ng office at sa labas na lang umupo..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento