Lunes, Setyembre 30, 2013

Day 38: Friday(August 30, 2013)

Tinulungan namin si Maam Toledo na ayusin ang data ng mga students.. Naghanap ng mga files nila lalo na yung birth certificate.


Day 37: Thursday(August 29, 2013)

Closing ng Buwan ng Wika (“Pista sa Nayon”).Nakikinig ng boses ng mga kumakanta at mga musical instrument na tumutugtog sa program.


Day 36: Wednesday(August 28, 2013)

NCAE exam na ngayon ng mga student.. Dahil sa wala ng masyadong ginagawa, inayos na din namin yung functionalities ng proposed system namin.. Free snack hot choco and sa hapon sinapot and soft drink.


Day 35: Tuesday(August 27, 2013)

Busy ulit kami, lalo na ngayon dahil NCAE na tomorrow.Naghanap sa internet ng LRN ng mga students and sinikap na makompleto yun.


Day 34: Friday(August 23, 2013)

Day 2 ng Intramurals.. Nag-ayos ng system at tumulong sa mga gagawin ng mga teachers .


Day 33: Thursday(August 22, 2013)

Intrams ngayon dito.. Nanood kami ng cheer dance.. At tumulong sa kailangang asikasuhi ngayong araw.


Day 32: Tuesday(August 20, 2013)

Busy ang mga tao ngayon dito pati kami.Nag-ayos ng mga LRN ng mga student.. Free snack sopas, coke from Sir Christian and bread from Maam Yev :)


Day 31: Monday(August 19, 2013)

Nag-encode ng list of students and LRN.. Thanks Emil Anne sa spaghetti :)


Day 30: Friday(August 16, 2013)

Tumulong kami kay Maam Mila sa paggawa ng teaching and non-teaching personnel.. Feeding ulit ngayon, may free snacks ulit kami.. Champorado! Busog :)


Day 29: Thursday(August 15, 2013)

May feeding.. Tumulong ako sa pagbalot ng bingo sa plastic para sa feeding.. Tumulong sa mga pinapagawa ng mga teachers.. Burrp! Free snacks :)


Day 28: Wednesday(August 14, 2013)

Pumasok na si Ghie :) and nilibre kami ng siopao..Nagcodes ng flow ng proposed system at nag encode ng mga letters.

Biyernes, Setyembre 20, 2013

Day 27: Tuesday(August 13, 2013)

Kaming dalawa lang ni Lorraine ang pumasok dahil may sakit si Ginalyn. Gumawa ng mga pinagawa ng mga teachers and nagplano kami ni Lorraine ng mga dapat ilagay sa system namin.. Sobrang happy namin ni Lorraine dahil may nagawa kami ng maayos na naidagdag sa system namin..



Day 26: Monday(August 12, 2013)

Pagdating ko ng school, deretso agad ako sa ICT room.. Andun kasi sina Lorraine.. May pinapagawa sa kanila.. At ako, busy ulit sa pagpproggrame ng aming User Interface.. After nun, pinagtulungan naming tatlo yung pagsulat sa napaka raming certificate..



Day 25: Friday(August 9, 2013)

Holiday! Yehey! Rest day! Walang pasok! :p



Day 24: Thursday(August 8, 2013)

Its Thursday! Holiday bukas.. Yehey! Walang pasok.. :) Pinalagay ni Ma’am Mila yung styro sa pader dahil lalagyan ng profile ng personnels sa school.. Nag-isip kami if pano yun ididikit.. Ginamit na lang namin sa pagdikit yung double sided tape.. Kaso,nagkulang.. Ako yung naglalagay ng styro sa pader.. Pinapatingnan ko kina Ginalyn if pantay na.. Kaso walang sumasagot sakin.. Tinanong ko ulit sila pero wala pa ring sagot.. Lahat nakatingin lang sa styro.. Nagtanong ulit ako ng may halong paggulat at may tonong nagmamakaawa.. Sabi ko “Hoy!amoh na?” Sabay-sabay silang nag “Ay!”, tapos tawanan silang lahat.. Pati yung mga teachers na andun.. Oo na daw.. Natulala daw lahat eh.. hehehe..Kairak ko man daw.. After nun, nagtulong-tulong naman kami gumawa ng Report of Enrolment.. Nagsuggest ng mga magandang color combination and nagcut ng mga colored paper.. After nun, may dumating na free snack.. Pansit.. hehehe.. :) Sobrang busog!



Day 23: Wednesday(August 7, 2013)

Haaays! Brownout na naman! :( Ang init.. Kaantok din dahil walang magawa.. Nag-usap-usap kami about sa proposed system.. Nag-isip na lang kami ng gagawin namin para di antukin.. Nagtanong kay Ma’am Mila if may ipapagawa siya.. Nag-isip din siya ng pwede niyang ipagawa sa amin.. At sinabi niya na ayusin na lang daw namin ung Enrollment Report.. Pero di namin natapos dahil sobrang init na sa loob ng office at sa labas na lang umupo..